
Nakaabot na rin hanggang America ang Voltes V: Legacy fever nang pagkaguluhan ang inflatable Voltes V robot sa "Piyesta Pinoy" event ng GMA Pinoy TV doon.
Naki-volt in ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion at nagpa-picture sa itinayong higanteng robot sa Bolingbrook, Illinois. Matatandaang una nang nakita ang Voltes V robot sa Bergenfield, New Jersey, at Queens, New York.
Bukod kay Gabby, marami ring global Pinoys na dumalo sa “Piyesta Pinoy sa Bolingbrook” ang na-excite nang makita ang inflatable Voltes V robot na pinilahan para makapagpakuha ng litrato rito.
Mapapanood ang Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.
Mapa-Pilipinas o abroad man, damang-dama ang mainit na suporta ng mga manonood sa Voltes V: Legacy.
TINGNAN ANG REGIONAL TOUR NG VOLTES V: LEGACY CAST KAMAKAILAN SA GALLERY NA ITO: