
Magigising at matatagpuan ni Julius Park (Ji Sung)--isang kilala na top prosecutor ng Seoul Central District-- ang kanyang sarili sa loob ng bilangguan nang walang ideya o alaala kung paano siya napunta rito.
Siya ay maaakusahan sa pagpatay sa kanyang asawa na si Lisa at anak na si Hannah.
Bago ang pangyayaring ito, si Julius ang humawak sa kaso ni Ronnie Cha (Uhm Ki-joon) dahil naakusahan siya sa pagkamatay ng isang babae.
Mayroon kayang kinalaman dito ang pag-iimbestiga ng tanyag na prosecutor sa makapangyarihang heredo ng Chamyoung Group?
Ang matalik na kaibigan at kapwa prosecutor ni Julius na si Norman (Oh Chang Suk) ang hahawak sa kaso niya. Ngunit, bakit tila'y may sikreto itong tinatago sa kanya?
Makakahanap ng tulong si Julius mula kay Courtney (Kwon Yuri) na isang baguhang abogado na hahawak sa kaso niya. Ngunit, dati niya itong madalas na minamaliit.
Tuluyan nga ba siyang mabibigyan ng tulong?
Ang asawa ni Reggie Cha (Uhm Ki-joon) na si Sandy (Uhm Hyun Kyuk) ay dating kasintahan ng kanyang kakambal na si Ronnie. Upang makabawi sa paluging negosyo ng kanyang pamilya, pinili ni Sandy na pakasalan si Reggie.
Magkapareho man ang hitsura nina Reggie at Ronnie, alam ni Sandy ang pagkakaiba ng dalawa.
Ilan lamang ang mga ito sa dapat abangan sa latest Korean drama series na “Innocent Defendant” na tiyak na mag-iiwan ng iisipin para sa mga manonood dahil sa iba't ibang twists dito.