GMA Logo I Can See You High Rise Lovers confrontation scene
What's on TV

Intense confrontation scene sa 'High-Rise Lovers,' trending sa Twitter!

By Dianara Alegre
Published October 16, 2020 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6 reported dead due to Luis, Maymay, Habagat, OCD says
Bets from regions shine in first Reina Filipinas pageant
Daig Kayo Ng Lola Ko: Parurusahan ang mga tao!

Article Inside Page


Showbiz News

I Can See You High Rise Lovers confrontation scene


Nag-trending sa Twitter ang fourth episode ng 'I Can See You: High-Rise Lovers' dahil sa husay ng confrontation scenes nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Winwyn Marquez!

Hinangaan ng netizens ang intense confrontation scenes nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez sa kanilang pagganap bilang sina Samantha, Luis, at Ysabel sa ika-apat na episode ng I Can See You: High-Rise Lovers.

Sa naturang episode ay nahuli na ni Samantha ang lihim na relasyon ng mister niyang si Luis at ng kapitbahay nilang si Ysabel.

Dahil sa tindi ng mga eksena at husay sa pag-arte ng cast ay napabilib at napa-tweet nila ang netizens hanggang sa maging top trending topic ito sa Twitter Philippines.

Samantala, ipalalabas na ngayong gabi, October 16, ang finale episode ng serye.

Magawa pa kayang mapatawad ni Samantha si Luis matapos ang panloloko nito sa kanya?

Tunghayan ang pagtatapos ng I Can See You: High-Rise Lovers ngayong gabi, October 16, sa GMA Telebabad.