Kapuso actress and singer Saab Magalona and 'Cheats' guitarist Jim Bacarro tie the knot in the City of Pines. What was Pia Magalona's message to the newlyweds?
By AEDRIANNE ACAR
Baguio was the setting for the elegant wedding of Hindi Ka Na Mag-iisa actress Saab Magalona and her fiancé musician Jeremiah “Jim” Bacarro.
Ginanap ang intimate wedding ni Saab at Jim sa St. Ignatius Chapel, Philippine Military Academy sa Baguio kahapon.
Suot ni Saab ang isang immaculate white heart neckline wedding dress na ginawa ng renowned Filipino designer Sassa Jimenez.
Maid of Honor ni Saab ang kanyang ate na si Maxene at kasama naman sa mga groomsmen ang kanyang mga kapatid na sina More Than Words lead actor Elmo Magalona, Once Upon A Kiss star Frank Magalona at Arkin Magalona.
Hindi naman maiwasan maging emosyonal ng mommy ni Saab na si Pia Magalona. Sa isang post sa kanyang Instagram account, binati nito ang dalawa at ipagdadasal daw niya ang buhay nila bilang mag-asawa.