
Isang 89 years old na lola mula pa sa lalawigan ng Batangas ang lumuwas ng Maynila para personal na makita si Dingdong Dantes.
Matagal na raw viewer ng programa si Lola Teresita Lim kaya't gumawa ng paraan ang pamilya niya para mabisita ang Family Feud studio.
Abangan ang pagkikita nina Dingdong at Lola Teresita sa episode ngayong hapon kung saan magtatapat ang P-pop girl group na FINA (Fine As You Are) at Power Impact Dancers (PID).
Todo ang energy at hatawan ngayong Miyerkules sa paghaharap ng P-pop girl group na FINA (Fine As You Are) at Power Impact Dancers (PID) sa Family Feud.
Ngayong, May 13, magsasagupa sa Family Feud stage ang mundo ng P-pop at world-class choreography.
Mapapanood sa Family Feud ang five-member P-pop girl group na FINA. Sila ay isa sa mga rising acts sa music scene at kilala sa kanilang debut single na “Paramdam.” Napapansin din ang grupo dahil sa pag-incorporate nila ng Philippine mythology sa kanilang concepts at performances na may temang folklore at self-empowerment.
Binubuo ang grupo nina Cia (Sirena), ang soft-spoken na dalaga mula Cabanatuan na nagiging fierce performer sa stage; si Heaven (Diwata), ang 17-year-old bunso ng grupo mula Quezon City na kilala sa kanyang playful personality; si Anika (Aswang), ang witty at commanding member na nagbibigay ng powerful vibe sa kanilang performances; at si Chill (Engkantada), ang energetic performer mula Cagayan de Oro City.
Makakaharap nila ang Power Impact Dancers (PID). Sila ang grupong kamakailan lang ay nagbigay ng karangalan sa bansa matapos tanghaling champion sa SummerJam Showcase Competition 2026 sa Vietnam. Ang grupong tumalo sa 19 na teams mula sa iba't ibang bansa ay kilala rin sa choreography ng matagumpay na concert series ng SexBomb Dancers.
Pinangungunahan ang grupo ni head coach at celebrity choreographer na si Airon Jazz Rances kasama sina Julius Sta. Cruz, Manuel Escamilla Jr., at Apple Jane Badong, na mahuhusay ring dancers at choreographers.
Samantala, may espesyal ding bisita sa episode na ito dahil ang avid Family Feud viewer na si Lola Tessie Lim ay bumisita sa studio para personal na makita ang host ng programa na si Dingdong Dantes.
Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong May 8, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter at Never Say Die.