GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap Dr Dex Macalintal
Courtesy: GMA Network and askdocdex (IG)
What's on TV

Isang lifestyle medicine physician, nag-react sa ilang mga eksena sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published November 10, 2022 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap Dr Dex Macalintal


Reaksyon ni Dr. Dex Macalintal sa ilang eksena sa 'Abot-Kamay Na Pangarap': “Itong ganito, this could really happen in real-life…” Basahin pa rito:

International Board Certified Lifestyle Medicine Physician at kilalang content creator na si Dr. Dex Macalintal, pinagbigyan ang netizens sa kanilang hiling na mag-react siya sa ilang mga eksena sa GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Isa sa napiling panoorin ni Dr. Macalintal sa serye ay ang eksena kung saan pinag-uusapan nina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) at Dr. Luke Antonio (Andre Paras) ang buhay ng isang pasyente.

Dahil nababahala si Dra. Santos na ayaw magpaopera ng isa sa kanilang pasyente dahil sa problema nito sa kaniyang ama, humingi ng payo ang batang doktor kay Dr. Antonio.

Reaksyon ni Dr. Macalintal sa unang eksena, “Gusto ko lang sabihin na unang-una, hindi talaga magandang pinag-uusapan ang kaso ng pasyente sa hallway. Baka kasi mayroong relative ng mga pasyente na makarinig ng mga confidential information… Mas mainam na gawin 'yan sa conference room.”

Sunod naman niyang pinanood ay ang eksena kung saan sinabi ni Zoey sa pasyente na ayaw na sa kaniya ng kaniyang ama.

Ayon kay Dr. Macalintal, “Ito kasi ay drama so kailangan talaga ay may kontrabida, pero ang taray pala talaga ng character nitong si Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi). To tell you honestly, mayroon po talagang mga doktor na ganyan sa mga pasyente nila.”

“Mayroon akong kilala na naka-experience na sinabihan na 'yung pasyente niya ay hindi na mabubuhay kung wala na silang pera, ganon ka-blatant. Itong ganito, this could really happen in real-life. Pero sana hindi ito mangyari sa wards kung saan maaaring makagambala pa ng ibang mga pasyente,” kuwento niya.

Bukod sa kaniyang reaksyon, ibinahagi rin ng real-life doctor ang ilang kaalaman niya tungkol sa mga bagay na maaaring ma-encounter ng pasyente o ng mga doktor habang nasa loob ng isang ospital.

Sabi niya, “To break the bad news, mayroon po talagang tamang pamamaraan or protocol kung paano talaga ito ginagawa…”

Panoorin ang naging reaksyon ni Dr. Macalintal sa TikTok video na ito:

@drdexmacalintal Tama ba ginawa ni Dr. Zoey Tanyag sa #AbotKamayNaPangarap ? #KapusoSeryeReview #doctor #lifestyle #badnews ♬ original sound - Dr. Dex Macalintal


Matatandaang ang content creator at real-life doctor na si Dr. Alvin Francisco ay nag-react din noon sa ilang mga eksena ng hit Kapuso serye.

Ang trending na seryeng ito ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Patuloy na subaybayan ang kuwento ng pinakabatang doktor sa bansa sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: