GMA Logo Isko Moreno
Photo by: Michael Paunlagui
What's Hot

Isko Moreno, challenged sumabay sa 'Sparkle World Tour 2024' young co-stars

By Kristine Kang
Published June 30, 2024 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno


Ano ang challenging part para kay Isko Moreno sa paparating na 'Sparkle World Tour 2024'? Alamin rito:

Kabilang si Yorme Isko Moreno sa Sparkle lineup stars para sa Sparkle World Tour 2024 sa USA.

Makakasama niya sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ai Ai Delas Alas, at Boobay.

Sa grand media conference ng tour na idinaos kamakailan, nakasama rin ni Isko ang iba pang Sparkle artists na sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Jillian Wards, Ken Chan, at Betong na kabilang naman sa Sparkle World Tour sa Japan.

Magkasama nilang ibinahagi ang kanilang excitement na makita ang Kapuso Pinoy fans abroad.

Para kay Isko, looking forward siya na makapag perform ulit sa ibang bansa at maranasan ang overwhelming greetings ng mga Pinoy overseas.

Ibinahagi niya rin na dati na raw siyang nag-pe-perform abroad, madalas sa Japan.
Ngunit dahil ngayon ay kasama na niya ang new generation stars, inamin ng Kapuso actor na napasabak siyang sumabay sa kanila.

"Syempre ang challenge lang to catch-up with 'yung antenna. Medyo the disparity, 'yung the gap, the age gap between the mindset, and yesterday and today," sinabi niya.

Pero habang kasama niya ang Sparkle Stars, unti-unti na raw siyang nakakasabay sa kanilang mga biruan.

"But I'm very happy kasi nakakasabay naman ako ng konti doon sa mga hirit nila. Especially with Betong, I worked with him for almost a year and every single day," pahayag niya.

Excited din ang Sparkle stars na makatrabaho si Isko, lalo na karamihan sa kanila ay first time makakasama ang aktor.

Para sa Asia's Limitless Star na si Julie Anne, matagal na raw niya hinahangaan si Isko kaya looking forward siya sa kanilang performances sa tour.

Aniya, " 'Yung up close po na nakakasama ko po si Yorme sa stage parang wala pa po. Pero I remember one time, nag-guest po siya sa All Out Sunday and nag-sayaw po si Yorme. Wala, grabe, like lodi, talaga, ultimate lodi. Kaya excited po kami mag-perform with Yorme."

Ang Star of the New Gen na si Jillian, gusto raw makilala pa si Isko dahil alam niyang marami raw siya matututunan dito.

"Nu'ng nakakasama ko na po si Yorme, na-discover ko po na astig po pala siya. Isa po siyang cool dad. So na-e-excite po ako na makasama ko po sila sa Sparkle Tour kasi feeling ko po ang dami ko pong matutunan," ani Jillian.

Kinumpirma rin ito ni Bianca, "When I was with him, literal po talaga na marami po akong natutunan. As someone who loves reading lot of books, kapag kasama n'yo po si Yorme para siyang libro po talaga. He's full of wisdom and he will really take care of you and put everyone around him as his people."

Magsisimula ang Sparkle World Tour sa USA ng August 9 at 10. Susundan ito ng second-leg event sa Canada ng August 11 at 17, kasama naman sina Alden Richards at Boobay.

Sa September 1, gaganapin ang "Sparkle Goes to Japan" kasama sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan, Betong Sumaya, at special guest Ms. Divine Daldal.

RELATED CONTENT: Sparkle World Tour 2024 presents dazzling star-studded roster