
Bibida sina Isko Moreno at Joaquin Domagoso bilang mga mag-ama din sa nalalapit na action-drama series na Black Rider at excited na silang mapasama sa nasabing serye.
“Nakaka-excite kasi 'yung bumalik ka sa pag-arte. Alam naman ng lahat na ito talaga 'yung naging tulay ko para makaangat sa buhay and that is through GMA 7 and That's Entertainment,” sabi ni Isko sa interview niya kay Aubrey Carampel sa “Chika Minute” para sa 24 Oras.
Dagdag pa ng Eat Bulaga host, “I think Kuya Germs will be happy now again, me doing a lot of things in GMA.”
Ayon kay Isko, malapit sa puso niya ang magiging role niya sa action-drama series na tumutulong sa mga na-a-api at nahihirapan sa buhay.
“In character e, we've been doing that for more than two decades. And as I have said before, it's good to be home with GMA,” sabi nito.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SIMULA NI ISKO SA THAT'S ENTERTAINMENT HANGGANG NGAYON SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa pagbabalik ni Isko sa TV, mas naging espesyal pa ito dahil makakasama niya ang anak na si Joaquin sa serye. Nang tanungin ang nakababatang aktor kung ninenerbyos ba ito makaeksena ang ama, “True.”
“But then of course, it's my dad who's watching me e, so naiisip ko rin 'yun 'Oh my God, andito pala si Papa,'” sabi nito.
Dahil sa pagiging action ng serye, ibinahagi ng dalawa na maaaring mapasabak din sila sa bakbakan. Dagdag pa ni Isko ay kahit wala pa siyang training sa action scenes at stunts, napanood niya ang naging training ng anak.
“Mga barilan, mga rolling on the floor, anything. 'Pag may gagawin si papa, ako na magsasalo sa mga eksena niya,” sabi ni Joaquin.
Biro pa nito kay Isko, “I got you, I got you.”
Samantala, sa hiwalay na interview kay Aubrey ay nagpahayag din ng kanyang saya ang bida ng serye na si Ruru Madrid na makatrabaho sina Isko at Joaquin.
“Sobrang nakakataba po ng puso na 'yung mga dating tinitingala ko na mga artista e ngayon po, nakakatrabaho ko na sila,” sabi nito.
Panoorin ang buong interview nila rito: