GMA Logo Isko Moreno
What's on TV

Isko Moreno, maglalaro sa 'Family Feud' ngayong Martes

By Jimboy Napoles
Published September 20, 2022 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno


Maipanalo kaya ni "Yorme" Isko Moreno ang kanyang paglalaro sa Family Feud?

Muling mapapanood sa telebisyon ang dating aktor at alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso sa kanyang paglalaro sa trending na game show ng GMA na Family Feud ngayong Martes, September 20.

Sa episode ng game show ngayong araw, makakalaban nina Isko at ng kanyang pamilya ang pamilya naman ng action star na si Ronnie Ricketts at ng kanyang asawa at dating Apoy Sa Langit actress na si Mariz Ricketts.

Sa inilabas na trailer ng game show, makikita na kasama ni Isko sa kanyang team ang kanyang asawa at mga anak, kabilang ang dating First Lady actor na si Joaquin Domagoso na ngayon ay certified daddy na rin.

Isa si Isko sa mga itinuring na anak ng yumaong star builder na si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs. Nakilala muna si Isko sa larangan ng entertainment bago niya pasukin ang mundo ng politika.

Tumutok sa Family Feud ngayong Martes, 5:40 ng hapon sa GMA.

SAMANTALA, ALAMIN NAMAN ANG NAGING CAREER JOURNEY NI ISKO MORENO SA GALLERY NA ITO:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/news/12460/in-photos-si-isko-moreno-bago-maging-yorme-ng-maynila/photo/156656/isko-moreno