GMA Logo Isko Moreno
What's on TV

Isko Moreno, nagkomento sa naging salpukan ng noontime shows nitong July 1

By Jimboy Napoles
Published July 3, 2023 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Isko Moreno


Boy Abunda kay Isko Moreno: “Ano ang pakiramdam na doon sa buffet, mas kaunti ang taong pumili sa inyo?”

May komento ang actor-politician at ngayon ay Eat Bulaga host na si Isko Moreno tungkol sa naging ratings ng mga noontime show noong July 1. Ito ay ang pagsisimula ng pag-ere ng programang It's Showtime sa GTV, at ang bagong programa nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TV5.

Matatandaan na isa si Isko sa mga bagong host ng Eat Bulaga sa GMA kasama sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, at marami pang iba.

Sa naging guesting ni Isko sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, July 3, agad na hiningan ng reaksyon ng TV host na si Boy Abunda si Isko tungkol sa naging pagtatapat-tapat ng mga noontime show nito lamang nagdaang Sabado.

“Ano ang pakiramdam na doon sa buffet, mas kaunti ang taong pumili sa inyo?” tanong ni Boy kay Isko.

Sagot naman niya, “That's understandable because so much hype and drama happened in the past weeks and days.”

Ayon kay Isko, ginagawa naman nila ng kaniyang kapwa Eat Bulaga hosts ang kanilang trabaho na mapasaya ang mga manonood dahil ito naman ang pinaka-importante.

Aniya, “Kami naman, 'basta tayo, focus lang tayo, ang gawin nating Eat Bulaga ngayon, hindi na tungkol sa mga host, tungkol na 'to sa viewers, maging viewers-centric tayo na show, ilapit natin 'yung Eat Bulaga sa kanila.”

Dagdag pa niya, “Kasi we artists, we come and go, even shows come and go, but 'yung mabigyan natin ng pagkakataon ang lahat na makapagtrabaho na makapaghanap-buhay. You know, makikita mo mga ilang tao lang sa camera pero beyond the camera it produces more opportunity for everyone.”

Wala ring masamang tinapay si Isko sa kompetisyon ngayon ng mga noontime show at ang mahalaga ay ang maging suportahan ng bawat isang programa.

“Now if there will be buffet like in this case, lalabas lahat ng galing ng mga artista kasi may kompetensiya and we should not hate each other when we're competing kung baga ang point ko, let us not create hate and expect somebody to fail for you to go up,” ani Isko.

Para kay Isko, dapat na rin na gayahin ng Pilipinas ang healthy competition ng mga prorama sa ibang bansa dahil Filipino audiences din ang makikinabang dito.

“Pwede naman nating gawin 'yun e, we congratulated TVJ at least meron na ulit silang bahay, Paolo congratulated Vice Ganda, so marami na ngayon option, marami na ngayong opportunity at gaganda na 'yung noontime shows para sa mga viewers,” sabi ni Isko.

MAS KILALANIN PA SI ISKO MORENO SA GALLERY NA ITO: