
Maipapalabas na ang ilang piling pelikula mula sa Star Cinema sa ilang local channels ng GMA Network matapos ang landmark deal nito at ng ABS-CBN.
Ang buena manong pelikula ay ang romantic comedy film na It Takes a Man and a Woman, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Pagpapatuloy ito ng kuwento mula sa commercially successful films na A Very Special Love at You Changed My Life.
Muling gaganap dito si singer and actress Sarah Geronimo bilang Laida na kababalik lang sa Pilipinas mula sa New York.
Babalik siya sa Flippage at muling makakatrabaho ang ex-boyfriend na si Miggy, karakter ni John Lloyd Cruz.
May chance pa bang mag-rekindle ang kanilang romance ngayong tila nagbago na si Laida at may girlfriend nang iba si Miggy?
Isang commercial success din ang It Takes a Man and a Woman na may total box-office gross na PhP 405M. Ito ang highest-grossing Filipino film sa Philippines noong 2013.
Abangan ang It Takes a Man and a Woman, April 10, 2:00 p.m. sa GMA Blockbusters.