GMA Logo Family Feud
What's on TV

'It's Showtime' and 'Lolong' kids, maglalaro sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 30, 2025 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Exciting ang kiddie edition ng 'Family Feud' sa Lunes, June 30, dahil maglalaro ang child stars mula sa 'It's Showtime' at 'Lolong'!

Ang child stars mula sa masayang noontime show at Kapuso action teleserye naman ang bibida sa fresh episode ng Family Feud.

Ang Family Feud Philippines ay ang kauna-unahang franchise na nagkaroon ng cute na kiddie contestants. Kaya naman sa June 30 ay sabay-sabay nating panoorin ang bagong episode ng kiddie edition ng Family Feud, kung saan maghaharap ang It's Showtime Kids at The Sunshine Squad mula sa GMA Prime series na Lolong.

Tampok sa episode ang kanilang husay sa pagsagot ng survey questions. Ibibida rin ng mga batang contestants ang kani-kanilang special talents tulad ng modeling, dancing, pagsasalita ng Korean, at marami pang iba.

Mula sa team na It's Showtime Kids, maglalaro si Princess Kathrine Caponpon a.k.a. Kulot. Siya ay may husay sa dancing and acting at pangarap na maging flight attendant. Kasama niya sa It's Showtime Kids sina Arianah Kelsey Lasam, ang 2024 Mini Miss U grand winner mula Pampanga; si Felix Argus Aspiras, ang effortlessly talented sa song, dance, at pag-recite ng presidents of the Philippines; at si Jaze Kyler Capili, ang kiddie king of the dance floor.

Family Feud

Mula naman sa The Sunshine Squad, mapapanood ang young cast ng Lolong. Mamumuno sa kanilang team si Francis Saagundo, ang nine-year-old commercial model na pangarap na maging doctor. Kasama ni Francis si Ryrie Sophia, ang seven-year-old actress na kinilalang Best Child Performer sa kaniyang pagganap sa Mujigae; si Scarlet Eunice Alaba, ang seven-year-old na mahusay sa Math at drawing; at si Drey Lampago, ang seven-year-old na mahilig sa jokes at fun activities at iniidolo si Alden Richards.

Abangan ang tapatan ng young and talented stars sa fun kiddie edition ng Family Feud ngayong Lunes, June 30!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.