GMA Logo vice ganda
Courtesy: praybeytbenjamin (IG) and Nice Print Photography
What's Hot

'It's Showtime' host Vice Ganda lists down his best moments at the GMA Gala 2023

By EJ Chua
Published July 24, 2023 11:06 AM PHT
Updated July 24, 2023 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Na-enjoy ni Vice Ganda ang first time na pag-attend niya sa GMA Gala!

Patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang mga naging kaganapan sa nag-trending at katatapos lang na GMA Gala 2023.

Bukod sa napakaraming Kapuso artists, dumalo rin sa big event ang ilang Kapamilya stars.

Kabilang na rito ang It's Showtime host at unkabogable icon na si Vice Ganda.

Nito lamang July 23, ibinahagi ni Vice ang kanyang five best moments sa first time na pagdalo niya sa GMA Gala Night.

Mababasa sa kanyang tweet na kabilang sa highlights ng gabing iyon ay ang moments niya kasama ang kapwa niya celebrities.

Una niyang binanggit ay ang pagkikita nila ng newly-engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Kasunod nito ay ang pakikipag-hangout ni Vice sa kanya raw Kapuso GenZ friends.

Kabilang din sa best moments ni Vice ay ang pagkikita nila ng Kapuso actor at comedy genius na si Michael V., na kilala rin bilang si Bitoy.

Nang gabing iyon, nakatagpo rin ni Vice ang host na si Lyn Ching na kalaunan ay napag-alaman niyang kalapit bahay niya rin pala.

Ang pinakahuli namang nakalagay sa listahan ni Vice ay ang reconciliation ng vloggers na sina Zeinab Harake at Toni Fowler.

Dumating ang naturang host sa event suot ang kanyang shimmering tube gown at massive feather cape na likha ni Neric Beltran, ayon kay Vice.

Sa naging interview ng GMA Gala 2023 hosts kay Vice at sa ilang It's Showtime hosts, muling pinasalamatan ng unkabogable icon ang Kapuso network.

Pahayag niya, “We are very happy that we have a new home, GTV. The GMA family has been very supportive and we are grateful… Maganda… mas nakaka-excite mag-perform kasi mas marami nang nakakakita sa amin ngayon… Again, Thank you very much sa GMA.”

SILIPIN ANG LOOKS NG CELEBRITIES SA GMA GALA 2023 SA GALLERY SA IBABA: