GMA Logo dominic roque and bea alonzo
Celebrity Life

WATCH: Dominic Roque's wedding proposal to Bea Alonzo

By EJ Chua
Published July 21, 2023 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

dominic roque and bea alonzo


Nakakaiyak at nakakakilig na mga eksena sa engagement nina Dominic Roque at Bea Alonzo, ipinasilip online!

Ipinasilip ni Dominic Roque ang engagement nila ni Bea Alonzo sa pamamagitan ng Facebook post niya ngayong Biyernes, July 21.

Mapapanood sa mahigit seven-minute video kung paano sinorpresa ni Dominic ang Kapuso actress habang nasa gitna ng isang photo shoot.

Mapapakinggan din sa video ang nakakakilig na linyahan ni Dominic tungkol kay Bea at sa kanilang relasyon.

Naganap ang nakakaantig na proposal sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong Martes, July 18.

Mapapanood sa video na habang on-going ang photoshoot ni Bea, dahan-dahang lumapit si Dominic sa aktres at labis na nagulat ang huli dahil sa pagdating ng kanyang partner.

Nang magkaharap na ang dalawa, lumuhod na si Dominic sa harapan ni Bea at doon na niya inilahad ang kanyang proposal speech.

Mapapansin naman sa video na sobrang nasorpresa ang aktres at hindi na niya napigilang maiyak.

Mababasa naman sa caption ng social media posts ni Dominic, "Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala."

Dagdag pa niya, "Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko @beaalonzo. Indeed, God always has His perfect time for all of us…”

Panoorin ang mga naging kaganapan sa engagement nina Bea at Dominic sa video na ito:

Video Courtesy: Dominic Roque (Facebook) and Black Peak Hypermedia

Bago ilabas ang naturang proposal video, unang ibinahagi ni Bea ang ilang larawan tungkol sa engagement nila ni Dominic.

Congratulations, Bea Alonzo and Dominic Roque!

SAMANTALA, SILIPIN ANG WELL-WISHES NG ILANG CELEBRITIES SA NEWLY-ENGAGED COUPLE NA SINA BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE SA GALLERY SA IBABA: