GMA Logo ogie alcasid jhong hilario
Photo by: It's Showtime, GMA Network YT
What's on TV

'It's Showtime' hosts on how men respond to rejection: 'I think it's the ego'

By Kristine Kang
Published May 13, 2025 3:03 PM PHT
Updated May 13, 2025 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

ogie alcasid jhong hilario


Alamin ang mga opinyon ng 'It's Showtime' hosts tungkol sa mga lalaking nare-reject, dito.

Isa na namang makabuluhang usapan tungkol sa rejection ang na-highlight sa fun noontime program na It's Showtime!

Nitong Martes, May 13, sumalang sa dating segment na "Step in the Name of Love" ang cosplay besties na sina Esshi at Lex.

Sa gitna ng kanilang pagpapakilala, ibinunyag ni Lex na nanligaw siya kay Esshi sa loob ng isang taon. Ngunit mas pinili umano ni Esshi na panatilihin na lamang ang kanilang pagkakaibigan na ngayon ay tumagal na ng 10 taon.

"Hindi lang po nagma-match 'yung energy po namin," paliwanag ni Esshi. "Mas click po kami as friends, kaysa as mag jowa po."

Bagama't inamin ni Lex na nasaktan siya noon, tila inilihis na lang niya ang nararamdaman.

"May pag-iyak pero siguro naman hindi ganoon," sabi ni Lex. "Parang gina-gaslight ko na lang sarili [ko] na hindi naman talaga na naging kami."

Dahil sa kuwento ito, naging curious si Vice Ganda at tinanong kung ano nga ba ang epekto ng rejection sa mga lalaki.

"Kasi 'yung [mga kilala kong babae] pag nare-reject sila, masakit, nasasaktan sila. Pero sa mga lalaki (masakit din)?" tanong ng comedian.

"Meron. Kasi siyempre pinaglaanan mo ng panahon iyon at may naramdaman ka," sagot ni Jhong Hilario. "Hindi ka makatulog, iniisip mo ano bang kulang?"

Mas pinalalim naman ni Ogie Alcasid ang paliwanag sa sinasabing "masakit sa ego" na bahagi ng rejection.

"Palagay ko ang naapektuhan sa amin 'yung ego. I think it's the ego. Kailangan malaman mo 'yung pagkakaiba ng ego at 'yung nasasaktan 'yung puso mo," sabi ng singer-host. "Lahat tayo feeling natin kasi gwapo tayo. You put your best foot forward tapos biglang [na-reject] ka. Ang sakit sa ego non."

Pagkatapos ng kanilang munting usapin, masayang naghanap si Lex ng magiging ka-match niya sa tatlong hakbangers.

Sa huli, nag-match ang cosplayer sa hakbanger number two na si Yancen.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

PANOORIN ANG MGA SAGOT NG IT'S SHOWTIME HOSTS SA VIDEO NA ITO: