
Very winner ang fun noontime program na It's Showtime dahil isa na namang international celebrity group ang nagbigay-pansin sa kanila!
Maraming fans ang natuwa nang mapansin ng K-pop girl group na Le Sserafim ang trending dance craze ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Nitong Lunes (April 28), nagsama-sama ang iba't ibang celebrities at personalities sa programa para makisaya at makisayaw sa viral dance challenge. Ang ginamit na tugtog sa dance craze ay walang iba kundi ang “Crazy,” na siyang hit single ng Le Sserafim.
Labis ang tuwa ng fans nang i-repost mismo ng K-pop group ang grand performance ni Vice sa kanilang account na may nakakatuwang caption na "our lodis fr.”
Photo by: @IM_LESSERAFIM X
Kahapon lang din, napansin ng K-pop group ang dance craze entry ng housemates mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ang kanilang video ay isinama sa grand performance ng It's Showtime, kung saan tampok din ang iba't ibang entries mula sa P-pop stars, influencers, at netizens.
MAHAL KO KAYO SEE YOU AGAIN SOON MANILA#LE_SSERAFIM #르세라핌 https://t.co/IqiFDo5doG pic.twitter.com/qNnss7Gdgx
-- 르세라핌 (@IM_LESSERAFIM) April 29, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA NAKIGULO SA CRAZIEST NATIONAL 'CRAZY' DAY: