
Napuno ng saya at emosyon sa segment na "Laro Laro Pick" ng It's Showtime ngayong Huwebes (December 4).
Ang mga player ng naturang segment ay mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad mula sa Cebu at Negros Occidental.
Nanalo ng PHP 1 million ang player na si Disyang matapos masagot ang tanong sa jackpot round. Agad siyang niyakap ng Unkabogable Star na si Vice Ganda at hindi napigilan ni Disyang na maging emosyonal sa kanyang pagkapanalo.
Labis din ang pagpapasalamat ni Disyang sa noontime variety show. Aniya, "Para sa mga anak ko po 'to. Maraming, maraming salamat sa It's Showtime. Marami na po itong magagawa sa pamilya ko."
Matapos ito, sinabi ni Vice Ganda sa mga naglaro sa "Laro Laro Pick" na nag-usap silang mga host para mag-ambagan ng PhP 1 million, na ipamimigay sa players ng nasabing segment.
"Nagkasundo kami, mag-aambag-ambag kami at kayong lahat maghahati-hati sa PhP 1 million. Bukod kay Disyang, magbibigay kaming mga hosts ng additional 1 million pesos paghahati-hatian ninyong lahat para umuwi kayong may bitbit ngayong Pasko.
"Pamasko namin sa inyo. Kung ano man ang abutin no'n kapag hinati-hati, para sa inyo 'yun, Merry Christmas po," aniya.
Nagpasalamat din ang Unkabogable Star sa kanyang It's Showtime co-hosts dahil sa kanilang mabubuting puso.
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: 'It's Showtime' hosts show their moves with iconic dance groups in 'DANCE'pasikat