
Isa ang aktres na si Iwa Moto sa nagdadalamhati sa pagpanaw ng anak nina Janna Dominguez at Mickey Ablan na si Yzabel Ablan.
Si Iwa ang tumayong stepmother ni Yzabel nang ilang taon noong magsama sila ng ama ng huli na si Mickey Ablan.
Sa social media accounts ng celebrity mom, hindi maikakailang naging malapit siya ay Yzabel.
Ilang photos ang ibinahagi ni Iwa sa Instagram at TikTok, kung saan makikita ang kanilang happy at bonding moments ng dalaga.
Ayon sa caption ni Iwa, “My heart is in so much pain… still can't believe that my ate chabelits is gone... To all the people asking. Yzabel is my 1st born daughter. And yes, hindi ako ang biological mom niya. I was her stepmom for a couple of years. Pero, I know in my heart na mahal na mahal ko siya kahit di ako ang nagluwal sa kanya sa mundong 'to.”
Kasunod nito, inilarawan ni Iwa kung ano ang mga natutunan niya sa buhay nang dahil kay Yzabel.
Sabi niya, “Siya ang 1st ko sa maraming bagay. Tinuruan niya akong maging mommy. Maging patient, she always tells me that to be fully happy i have to learn to forgive… and she is a survivor.”
Dagdag pa niya, “Sobrang daming mong pinagdaanan anak. Nalampasan mo yun. And you become the best version of yourself [heart emoji], you have touched so many lives anak.”
Sa naturang post, ibinahagi rin ni Iwa ang kanyang pasasalamat at paghingi ng tawad kay Yzabel.
“Thank you kasi anak kahit ang tagal na nating d nagkikita you never fail to greet me or just to say hi. You always have so much kwento. Mamimiss ko 'yun anak… I wish i could have spent more time with you.”
“Im sorry if i fail you anak. Sorry sa mga pagkakamali ko. tandaan mo anak na sobrang mahal ka ni mommy. See you in my dreams anak,” dagdag pa niya.
Sa hiwalay na Instagram post, emosyunal ding inalala ni Iwa ang mga araw na kasama niya si Yzabel.
Aniya sa caption, "My little butterfly. Thank you. Still can't find words to say other than I love you so much and I will miss you. See you in my dreams my little warrior.. watch over us anak. Mommy loves you so much.
Ipinaalam ni Janna ang pagpanaw ng anak niyang si Yzabel sa pamamagitan ng social media post noong Linggo, October 8. Siya ay nasa edad na 20.
Sa isang Instagram post, binanggit ni Janna kung ano ang ikinamatay ng kanyang anak na si Yzabel.
Sabi niya, “For those who are asking, Our daughter passed away because of a sudden heart failure and lung infection…”