GMA Logo Iya Villania and Drew Arellano and kids
What's on TV

Iya Villania at Drew Arellano, papayag bang pumasok ang mga anak sa showbiz?

By Kristian Eric Javier
Published November 1, 2024 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania and Drew Arellano and kids


Papayagan kaya nina Iya Villania at Drew Arellano na pumasok sa showbiz ang kanilang mga anak? Alamin dito.

Bilang mga kilalang hosts at TV personalities, hindi malayong magkaroon ng interes sa showbiz industry ang mga anak nina Iya Villania at Drew Arellano na sina Primo, Leon, Alana, at Astro. Ngunit ang tanong, payagan kaya nila ang mga ito?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 1, tinanong si Iya kung ano ang magiging sagot nila ni Drew sakaling lumapit ang isa sa mga anak nila at sinabing gusto nilang pumasok sa showbiz.

Sagot ni Iya, “I was asking Drew about this, sabi niya. we'll cross the bridge daw when we get there. As of the moment, they're just enjoying being with us whether it means it's work or not.”

Kilala rin sina Iya at Drew sa ilan nilang commercials at advertisements para sa iba't ibang brands at minsan ay nakakasama rin nila ang anak nilang si Primo at iba pa nilang mga anak.

Dito ay pinansin ng host na si Boy Abunda na tila nae-enjoy ni Primo ang kanilang mga shoot. Ang sagot ni Iya tungkol dito: “He does, he does, he enjoys it. But iba Tito Boy 'yung showbiz sa commercial shoots.”

Tinanong rin ng batikang host kung may balak bang pumasok si Drew sa pulitika at mariing sagot ni Iya, “No, never.”

Paliwanag ni Iya, “The moment he does, it would probably like, 'Sino ka?' And he would probably also be 'Sino ako?' But yeah, no, he would never.”

TINGNAN ANG BEAUTIFUL FAMILY NINA IYA AT DREW SA GALLERY NA ITO: