
One big happy family ang pamilya Villania-Arellano sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Anya Love.
Sa Instagram Stories, proud na proud na ibinida ni Iya Villania ang sweet moments ng pamilya nila ni Drew Arellano kasama ang kanilang newborn baby.
Makikita sa ilang clips na masayang-masaya si Alana habang buhat niya ang kaniyang little sister.
Mababasa sa text na nakakabit sa clip na ibinahagi ni Iya, “My Girls. Anya is gettin' a whole lotta lovin' [smile emoji].”
Tampok din sa Instagram Stories ang cute na cute na paghawak, pagbabantay, at pag-aalaga ni Astro kay baby Anya Love.
“Even this one wants a piece of her until she sneezed. It amazes me how natural it is for them to show love,” paglalarawan ng Kapuso host sa sweet moment nina Astro at Anya.
Si Anya Love ay isinilang noong February 11, 2025. Siya ay panlimang anak ng Kapuso couple na sina Iya at Drew.
Sa iba pang posts sa Instagram, makikita ang bonding moments ng big brothers at big sister ni Anya na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
Related content: Celebrity kids and their famous godparents