
Inamin ni Iya Villania kay Vaness Del Moral na siya ang unang gumawa ng move kay Drew Arellano sa kanilang programang Click.
Si Iya at Drew ay unang nakilala bilang love team ng dating youth-oriented show ng GMA Network.
"Two, ang nice lang niyang tao and he wasn't nga malandi."
Ibinahagi rin ng Kapuso star na siya ang naghintay ng sagot noon mula kay Drew.
"'Yung totoo, ako 'yung nag-antay ng sagot. 'Yun 'yung totoo, ako talaga 'yung nag-antay ng sagot.
"Para siyang babae, ewan ko doon sa asawa ko, parang ewan."
Isa pang ikinagulat ni Vaness kay Iya ay ang pag-amin nitong siya ang unang nag-kiss kay Drew.
"Ako 'yung nag-kiss sa kanya, kaya tuloy ako sinabihan ng malandi kasi kiniss ko siya."
Paglilinaw naman ni Iya, "E, akala ko kasi nagpapa-kiss siya, so kiniss ko siya.
"Laugh trip talaga 'yung mga beginning namin ni Drew."
Panoorin ang nakatutuwang chikahan nina Iya at Vaness sa Just In video sa taas.
Just In: Bakit nag-e-excercise si Iya Villania kahit buntis? | Episode 2
Just In: Vaness Del Moral, may pagka-DIVA raw? | Episode 2