
Struggle is real para sa celebrity mom na si Iya Villania-Arellano na makuhanan ng larawan na magkakasama ang kanilang apat na anak ni Drew Arellano na sina Primo, Leon, Alana, at baby Astro.
Sa Instagram, ibinahagi ni Iya ang ilan sa mga larawan na pinilit niyang makuha kasama ang mga anak pero aminado ang celebrity mom na walang maayos sa mga ito dahil mabilis na nawawala sa focus sina Primo, Leon, at Alana kapag umiyak na si baby Astro.
"Wala, wala talagang tumama [laughing emoji] oh wells," sulat ni Iya sa kanyang post.
Makikita naman sa larawan na magkakatabi sina Primo, Leon, Alana, at baby Astro sa isang couch habang pinipilit na ngumiti sa camera.
Sa comment section ng nasabing post ay nag-iwan ng komento ang ilan sa mga kaibigan ni Iya sa showbiz na sina Megan Young, Bianca Gonzalez, Luis Manzano, at Chesca Garcia-Kramer.
"The more the happier!!!" comment ni Chesca.
Taong 2014 nang ikasal sina Iya at Drew at nito lamang June 4, isinilang ni Iya ang kanilang bunsong anak na si baby Astro.
SILIPIN ANG MGA LARAWAN NG MASAYANG PAMILYA NINA IYA AT DREW SA GALLERY NA ITO: