GMA Logo Izzy Canillo
What's on TV

Izzy Canillo, nagpapasalamat sa papuring natanggap bilang batang Louie sa 'The World Between Us'

By Aimee Anoc
Published July 10, 2021 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 14) - Day 2 | GMA Integrated News
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Izzy Canillo


Marami ang napahanga ni Izzy Canillo sa kanyang pagganap sa 'The World Between Us.' Ano kaya ang masasabi ng batang aktor?

Marami ang humanga sa pagganap ni Izzy Canillo bilang ang batang Louie sa The World Between Us dahil kuhang-kuha nito ang nararapat na emosyon sa bawat eksena.

Isa rin ba kayo sa mga nadala sa pag-iyak ng batang Louie nang mamatay ang kanyang ina na si Clara, na ginagampanan ni Glydel Mercado?

Umani ng papuri si Izzy sa eksenang ito at maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang paghanga sa Twitter at Instagram. Ani ng ilang netizens, pati sila ay naramdaman ang lungkot ng batang Louie.

Izzy Canillo

Izzy Canillo

Izzy Canillo

Izzy Canillo

Ipinarating naman ni Izzy sa Instagram ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta at nanunuod ng 'The World Between Us.'

Isang post na ibinahagi ni Izzy (@izzy_canillo)

Samantala, kasama ni Izzy sina Shanelle Agustin at Will Ashley na gumanap bilang ang mga batang Louie, Lia at Brian sa 'The World Between Us' kung saan ay maagang naulila rito si Louie at kinupkop ng ina nina Lia at Brian para pag-aralin.

Paano kaya makikisama si Louie kina Lia at Brian sa kanilang pagtanda na gagampanan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez? Mapapanood ang 'The World Between Us' Lunes hanggang Biyernes sa GMA telebabad.