GMA Logo Izzy Trazona at SexBomb Girls
Photo source: mariaward0188 (TikTok)
What's Hot

Izzy Trazona at SexBomb Girls, nagkasama muli sa 'Get Get Aw! rAWnd 4' concert

By Karen Juliane Crucillo
Published February 8, 2026 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandwich to open Pixies concert in May
Boy Abunda hosts online series about money, investing, and financial goals for 2026
Idol Tiktok takes on the kitchen! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Izzy Trazona at SexBomb Girls


Nagkaroon ng espesyal na reunion sina Izzy Trazona at ang SexBomb Girls nang magsama-sama sila muli sa iisang stage sa nagdaang 'Get Get Aw! rAWnd 4' concert.

Naghatid ng iconic moment ang reunion ng former SexBomb Girls member na si Izzy Trazona kasama ang iba pang miyembro sa Get Get Aw! rAWnd 4 concert noong February 7.

Sa video clip na nakuha ni mariaward0188 sa TikTok, emosyonal na sinurpresa ni Izzy ang SexBomb Girls nang samahan niya ang mga ito sa stage sa gitna ng kanilang performance.

Makikita sa video ang hiyawan ng fans sa kanilang reunion habang sinalubong nina Izzy at ng SexBomb Girls ang isa't isa ng yakap at iyak.

Inamin ni Rochelle Pangilinan na nagulat siya sa sorpresa ni Izzy at matagal na raw niyang hinihintay ang moment na ito kasama siya.

“Willing ako maghintay, makasama ka lang namin,” emosyonal na sabi ni Rochelle kay Izzy.

Nagpasalamat naman si Izzy sa mainit na pagtanggap ng fans sa SexBomb Girls hanggang ngayon.

“Gusto ko magpasalamat sa lahat ng pinalaki. Gusto ko magpasalamat sa simula't simula until now, you supported and you loved this group,” pasasalamat ni Izzy.

@mariaward0188 Sexbomb Concert Rawnd 4 .. Izzy surprise Sexbomb dancers! #fyp #sexbombconcert #rawnd4 #philippines #dancers @airabermudez @RocSolinap ♬ original sound - Maria Ward

Noong 2025, umalis si Izzy grupo upang gawing prayoridad ang kanyang pamilya at faith. Binigyang-linaw niya na ang kanyang pag-alis matapos hanapin siya ng maraming fans sa reunion concert ng SexBomb Girls.

Matatandaang naganap ang kanilang unang reunion concert ng SexBomb Girls noong December 4, 2025.

RELATED GALLERY: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever