Dinaluhan ang naturang party ni Caleigh ng malalapit na kaibigan ni Jackie sa showbiz.
Spotted sa naturang event ang Pepito Manaloto star na si Jessa Zaragoza at kanyang asawa na si Vice Governor Dingdong Avanzado, Gilas player Jimmy Alapag at misis niya na si LJ Moreno.
Nagpunta rin sa party ang anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris at ang celebrity couple na Doug at Cheska Kramer.