GMA Logo Jackie Gonzaga crying, tweet about Jackie
What's on TV

Jackie Gonzaga, bakit napaluha sa 'EXpecially For You'?

By Kristine Kang
Published May 6, 2024 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga crying, tweet about Jackie


Maraming netizens ang nagtaka sa biglaang pagluha ni Jackie Gonzaga sa 'EXpecially For You.'

Nagulat ang lahat nang biglang napaluha si Jackie Gonzaga sa noontime program na It's Showtime nitong Lunes (May 6).

Sa patok nitong segment na “EXpecially For You,” nag-umpisa ang lahat nang inimbitahan ng mga host ang guest ex na si Ryan na bumalik ulit sa studio para siya naman ang gagawing searcher.

Patuloy ang kulitan ng It's Showtime family nang nag boluntaryo sina MC at Lassy na magiging searchee para kay Ryan. Hirit din ni Vice Ganda na pwedeng isali nila si Jackie sa searchee contestants.

Kausap ang binibirong host, dagdag pa ni Vice, "Sabihan mo lang sa akin kung ready ka na. 'Di ba sabi ko sayo 'I will give you time.'"

Pabirong sinabi ni Kim Chiu na paiyak na ang kanilang kaibigan, kaya napasabi si Vice, " Eh kasi wala rin closure, charot!"

Habang sila'y nagbibiruan, nakita nila na paiyak na talaga ang kanilang kaibigan. Kaya naman binigyan ng mga host si Jackie ng isang malaking group hug.

Habang niyayakap nila siya, sinasabi rin ng mga ibang host na mahal nila siya at "pagsubok lang ang lahat."

Matapos ang kanilang group hug, nagbiruan kaagad si Vice Ganda at ibang host ng segment para pagaanin ang loob ng kanilang kaibigan. Pabiro ring sinabi ni Jackie na mamaya kakain siya ng marami pagkatapos ng show.

Nang napanood ng netizens ang nangyari, hindi mapigilan ng online viewers na pag-usapan ito sa social media.

May ilan nagulat at napatanong sa X (dating Twitter) kung nakipag-break ba talaga si Jackie sa kanyang boyfriend na si Tom Doromal. Meron din iilang netizens na nagkomento na bagay ang naturang host sa guest ex na si Ryan.

Related gallery: Meet Jackie Gonzaga, the certified hot babe of 'It's Showtime'