GMA Logo Vice Ganda
What's on TV

Vice Ganda elaborates on the meaning of grooming

By Dianne Mariano
Published April 30, 2024 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Mayroong paliwanag ang “It's Showtime” host Vice Ganda tungkol sa “grooming.”

Nagpahayag si Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa "grooming" sa “Expecially For You” segment ng It's Showtime kamakailan.

Nabuksan ang diskusyong ito sa naturang segment kung saan ang isa sa featured guests na si DJ ay nanligaw sa kanyang ex-girlfriend na si Miyuki noong 17 years old ito.

Nabanggit ni Vice na ayon sa mga eksperto, ang grooming ay hindi lamang batay sa agwat ng edad. Binigyang-diin din ng host-comedian na ang isang relasyon ay maaaring masabi na “grooming” kung mayroong pang-aabuso, manipulasyon, o pagsasamantala.

Paliwanag niya, "According to the psychologist na nakausap ng team, masasabi mo siyang grooming hindi lang sa edad. Hindi lang dahil sa edad, kung malayo 'yung edad, hindi porket malayo 'yung edad, grooming.

"Grooming kung mayroong tatlong bagay na evident doon sa sitwasyon. Kung may abuse, kung merong manipulation, at saka merong exploitation."

Nilinaw din ni Vice Ganda ang sitwasyon nina DJ at Miyuki at sinabi, "Sabi po ng mga psychologists na pinag-anuhan namin, walang grooming sa kanila. Kasi baka may mabasa kayo mamaya, at least malinaw sa kanila, hindi siya grooming."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ARTISTATHIN NA SEARCHEES NA NAPANOOD SA EXPECIALLY FOR YOU SA GALLERY NA ITO.