
"I'm in my brightest era."
'Yan ang sambit ng rising TV star na si Jackie Gonzaga, nang humarap siya sa Entertainment press sa isang event sa B Hotel sa Quezon City kamakailan.
Ang naturang event ay contract signing ni Jackie --- na kilala rin sa bansag na "Ate Girl" sa It's Showtime --- para sa kanyang endorsement deal sa Brightest Skin Essentials, isang sikat na local beauty brand na pamputi at pampakinis ng balat.
Kapansin-pansin rin na glowing si Jackie Gonzaga nang siya ay ipinakilala na bilang bagong mukha ng naturang brand. Masaya man si Jackie, aminado siyang hindi pa rin siya makapaniwala na makakasungkit agad siya ng endorsement lalo na't baguhan pa siya sa industriya.
Kaya naman nag-uumapaw ang kanyang pasasalamat para sa natamong blessing.
"I am thankful na meron tayong Brightest Skin Family. Maraming, maraming salamat po at grateful po talaga ako and masarap sa puso na pinagkatiwalaan ako na maging face of the brand,” ani Jackie. "Maraming salamat po sa pagwelcome ninyo sa akin dito sa pamilyang ito. I hope and pray, and alam kong mina-manifest natin ito, to more brightest days ahead."
Ayon sa Chief Executive Officer ng Brightest Skin Essentials na si Yanna Salonga, napili nila si Jackie bilang bagong mukha ng kanilang brand dahil sa pagiging totoo o authentic ng TV host.
"Pinili naming kunin si Jackie kasi nakikita ko yung authenticity and 'yung genuine passion niya sa lahat ng ginagawa niya which perfectly aligns with our brand's mission. 'Yung influence niya sa madlang people, di ba, at saka 'yung credibility niya sa industriya, 'yun 'yung nagtulak sa'kin na siya 'yung tamang tao para sa aming brand."
Masarap sa mata rin aniya panoorin si Jackie Gonzaga sa TV, isang bagay na nagkumbinsi kay Yanna na magiging effective at swak na endorser ang dalaga.
Sabi pa ng businesswoman, "Masarap siya panuorin. Sobrang warm nung personality niya and at the same time yung natural beauty niya yung pinaka-nag stand out sa aming lahat and I think, everyone would agree."
Para sa mga hindi nakakaalam, kilala ang Brightest Skin Essentials para sa kanilang "rejuvenating set" na binubuo ng Intensive Kojie-Carrot Soap, Intensive Toner, Intensive Sunblocker SPF 60, and Intensive Night Cream.
RELATED GALLERY: Meet Jackie Gonzaga, the certified hot babe of 'It's Showtime'