GMA Logo Jackie Gonzaga
What's on TV

Jackie Gonzaga, hinarap ang kanyang ka-look-alike

By Dianne Mariano
Published September 27, 2024 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Ano kaya ang reaksyon ng 'It's Showtime' host na si Jackie Gonzaga sa kanyang ka-look-alike?

Naghatid ng saya sa madlang people ang “Kalokalike Face 4” contestant na si Jazreel, ang Jackie Gonzaga ng Las Pinas City.

Makikita ang pagkakahawig ni Jazreel sa It's Showtime host mula sa itsura, pananamit, at maging sa dance moves. Ipinamalas ng “Kalokalike” contestant ang kanyang dance skills sa stage nang sayawin niya ang viral song na “Water” ni Tyla.

Matapos ito, pinagtabi sina Jazreel at Jackie sa stage kung saan sinundan nila ang galaw ng isa't isa. Sumabak din sa impromptu na aktingan ang Jackie Gonzaga impersonator kasama ang host at OPM icon na si Ogie Alcasid.

Kwento ni Jazreel, marami ang nakapansin ng kanyang pagkakahawig kay Jackie matapos niyang mag-live sa social media.

Tinanong naman ni Vice Ganda si Jazreel kung ano ang nararamdaman nito ngayong nakita na niya sa personal si Jackie.

Aniya, “Super nakaka-starstruck po kasi iba po 'yung kinang niya.” Ayon pa sa kanya, nafa-flatter siya sa tuwing tinatawag siyang Jackie dahil sa ganda at pagiging talented ng host.

Sa huli, nagwagi bilang daily winner si Jazreel kasama ang dalawa pang “Kalokalike Face 4” contestants ngayong araw.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

MAS KILALANIN PA SI JACKIE GONZAGA SA GALLERY NA ITO.