GMA Logo Jackie Gonzaga
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Jackie Gonzaga, looking forward na mas maraming tao ang mapasaya ng 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published July 4, 2023 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026
PHIVOLCS: Minor strombolian activity on Day 100 of Mayon’s effusive eruption

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Looking forward ang host na si Jackie Gonzaga na mas marami pang mga manonood ang mapapasaya ng 'It's Showtime' sa GTV.

Puno ng pasasalamat ang television host na si Jackie Gonzaga ngayong ang GTV na ang nagsisilbing bagong tahanan ng longest-running noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano

Matatandaan na nagkaroon ng grand contract signing event ang It's Showtime at GTV noong June 28 sa Seda Hotel, Vertis North sa Quezon City.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jackie, ibinahagi ng host na masaya at excited siya nang malamang magiging bagong tahanan ng It's Showtime ang second free-to-air channel ng GMA na GTV.

“Siyempre excited kami at saka super saya ng puso namin kasi 'yung family namin mayroong bagong home kaya masaya talaga,” pagbabahagi niya.

Labis din ang pasasalamat ni Jackie sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa It's Showtime family.

Aniya, “Nakakataba ng puso kasi wine-welcome ka, bukas na bukas 'yung puso nila [at] 'yung kamay nila sa amin, sa buong Showtime family, sa mga madlang people. Kaya grateful talaga, super grateful.”

Bukod dito, looking forward din si Jackie na mas maraming mga manonood ang mapapasaya ng kanilang popular noontime show sa GTV.

“Siyempre nilu-look forward natin na mas madagdagan 'yung mga madlang people na makakasama natin, mas malayo 'yung reach na maaabot natin, and mas marami pa tayong mapasayang mga tao,” saad niya.

Bukod kay Jackie, present din sa contract signing event ng It's Showtime at GTV sina Anne Curtis, Vice Ganda, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, at Cianne Dominguez.

Umere na ang It's Showtime sa GTV noong July 1 at nasilayan dito ang pasabog na production numbers ng hosts at napanood dito ang ilang Kapuso stars tulad nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Pokwang, Rayver at Rodjun Cruz, at iba pa.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GTV.

SAMANTALA, BALIKAN ANG FUN MOMENTS NG ILANG KAPUSO STARS SA IT'S SHOWTIME NOONG JULY 1 SA GALLERY NA ITO.