GMA Logo Jackie Gonzaga
Photo by: It's Showtime
What's on TV

Jackie Gonzaga, naging emosyonal matapos ikuwento kung bakit nakipaghiwalay sa dating nobyo

By Kristine Kang
Published July 9, 2024 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Maraming naantig sa heartbreaking story ni Jackie Gonzaga tungkol sa kaniyang dating relasyon.

Nitong Martes, July 9, hindi napigilan ng It's Showtime host na si Jackie Gonzaga na maging emosyonal matapos ikuwento ang kaniyang dating relasyon.

Sa singing competition segment na "Tawag ng Tanghalan," pinag-usapan ng mga host ang mga emosyon ng isang taong in love.

Doon ibinahagi ni Jackie ang kaniyang "heart fluttering" experience sa tuwing nakikita niya raw ang kaniyang crush.

"Nalaman kong in love ako 'yung excited ako makita siya. 'Yung kahit puyat ka, gigising ka nang [maaga], mag-aayos ka, tapos papasok ka. Alam mong makikita mo siya, mag-aayos ka siyempre," sabi ni Jackie.

Para sa kaniya, ang isa sa signs para malaman kung mutual ba ang feelings ng magkarelasyon ay ang labis na effort at atensyon na ibinibigay.

Noong tinanong naman kung paano malalaman na wala na ang pagmamahalan sa isang relasyon, biglang nag-open up si Jackie tungkol sa kaniyang naranasan noon.

"'Yung nanghihingi ka ng atensyon. Kasi nu'ng una hindi mo naman hinihingi, kusa niyang binibigay. Pero noong dumating sa punto na hinihingi mo na, tinatanong mo na, 'Ba't hindi mo ito ginagawa? Ba't ayaw mo gawin?' Doon ko na-realize na, 'Ay. Noong una, binibigay ng kusa tapos ngayon hinihingi ko na, hindi pa binibigay,'" kuwento ni Jackie.

Mas naramdaman ng audience ang emosyon ni Jackie nang ibinahagi na ng host ang kaniyang rason na makipaghiwalay sa dating nobyo.

Aniya, "Kasi ang dami mo na ibinigay na pagkakataon pero dumating pa rin sa punto na may ginawa pa rin siya para masaktan ka. Kahit tinanggap mo na 'yung mga dating pagkakamali, tapos inulit pa rin 'yung mga bagay na nakakasakit sa'yo. Parang sinasadya ba niya ito? O hindi mo lang talaga ako mahal?"

Mas pinili niya na lang daw bitawan ang kanilang relasyon dahil paulit-ulit siyang nasaktan ng kaniyang dating nobyo.

Ngayon, unti-unting nagmu-move-on ang host at madalas pinapaalala sa sarili na okay lang ang lahat.

Pagkatapos ng kaniyang kuwento, hindi napigilang maluha ni Jackie kaya binigyan siya ng mahigpit na yakap ng kaniyang mga co-host at pati ang contestant na si Abiegail.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, KILALANIN SI JACKIE SA GALLERY SA IBABA