
Katatawanan na may kasamang valuable lessons ang hatid nina Jade Tecson at Riel Lomadilla sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Poor Nepo Baby", tungkol ito sa anak-mayaman na mararanasan ang buhay ng mga karaniwang mamamayan.
Gaganap si Jade bilang Ashley, ang "nepo baby" na mahilig mag-flex ng yaman niya online.
Si Riel naman ay si Bebang, street-smart girl na dating empleyado ng pamilya ni Ashley.
Ma-e-expose ang corruption ng tatay ni Ashley kaya magtatago ito. Dahil dito, from riches to rags ang plot twist ng buhay niya.
Buti na lang, tutulungan siya ni Bebang at patutuluyin sa payak niyang tahanan sa isang slum area.
Masu-survive ba ni Ashley ang simpleng buhay sa tulong ni Bebang?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Poor Nepo Baby," May 10, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.