GMA Logo Jak Roberto and Barbie Forteza
Celebrity Life

Jak Roberto and Barbie Forteza celebrate monthsary with sweet yet funny messages for each other

By Aimee Anoc
Published April 20, 2022 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Barbie Forteza


Ipinagdiwang noong Martes, April 19, nina Jak Roberto at Barbie Forteza ang kanilang 59th monthsary.

Magkalayo man, hindi nakakalimutang batiin nina Jak Roberto at Barbie Forteza ang isa't isa sa mahahalagang okasyon.

Sa kanilang 59th monthsary, kapwa nag-post sina Jak at Barbie ng sexy photos ng isa't isa na may nakakakilig na mensahe.

"Happy Monthsary mahal kong habaan [Barbie Forteza,]" sulat ni Jak sa Instagram story na may naka-post na larawan ni Barbie na nakasuot ng pink na dress.

Agad naman itong sinagot ng aktres, "Hahahaha yes, that's right. Long-legged ang girlfriend mo. I love you."

Jak Roberto and Barbie Forteza

Ibinahagi naman ni Barbie sa Instagram story ang topless photo ni Jak habang nakaharap sa salamin, at sinabing, "Happy Monthsary Mahal [Jak Roberto]. Bumili na po ako ng peanut butter palaman sa pandesal mo."

Isang nakakakilig na "I love you so much" naman ang isinagot ni Jak sa post ng nobya.

Jak Roberto and Barbie Forteza

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Jak para sa upcoming sports drama series na Bolera habang naghahanda naman si Barbie para sa all new story na "Lelang & Me" ng Daig Kayo Ng Lola Ko na mapapanood ngayong Linggo ng gabi, April 24.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Jak Roberto sa gallery na ito: