
Magsisilbing reunion project nina Jak Roberto at Kylie Padilla ang pinakabagong GMA Drama series na My Father's Wife this year.
Matatandaan na nagkasama na ang dalawa sa GMA Prime series noong 2022 na Bolera kung saan gumanap si Jak bilang Pepito "Toypits" Canlas na isa sa leading man noon ni Kylie.
Sa eksklusibong panayam sa Kapuso hunk ng GMANetwork.com, nagkuwento si Jak tungkol sa mangyayari sa My Father's Wife.
Lahad niya “Ang laking jump nito sa character, 'yung character relationship namin before sa Bolera na ito mas more into, I can say mature, kesa dun sa nakaraan.”
Dagdag ni Jak, “Happy ako na naka-work ko ulit siya [Kylie Padilla], kasi I worked with her na, hindi na kami kailangan mag-adjust sa isa't isa. Alam na namin kung paano kami sa screen, kailangan na lang namin i-work out 'yung character. So, nagulat naman ako na si Miss Kylie Padilla uli na isa sa pinakamagaling na artista dito sa GMA 'yung makakatrabaho ko.”
Mas lalo rin daw aabangan ng viewers ang My Father's Wife dahil sa character ni Kylie. Paliwanag niya,
“And excited ako for her, kasi, parang ngayon niya lang din gagawin tong character na 'to. Grabe! Abangan n'yo guys, sobrang nakaka-excite.”
Source: jakroberto (IG)
My Father's Wife will be directed by Aya Topacio. Kasama rin sa powerhouse casts sina Gabby Concepcion, Kazel Kinouchi, Arlene Muhlach, Sue Prado, Andre Paras, Maureen Larrazabal, and Snooky Serna.
For more updates about this big drama project of GMA Entertainment Group, please visit GMANetwork.com!
RELATED CONTENT: STAR-STUDDED CAST OF MY FATHER'S WIFE