
Totoo bang nabigla si Jak Roberto nang mabanggit ang pangalang Barbie?
Special guest si Jak sa longest-running gag show na Bubble Gang kagabi (February 9). Kasama rin niyang bumisita sa hit program sina Lexi Gonzales, Arthur Solinap, at Jake Vargas.
At mukhang, hindi napigilan ng Kapuso hottie ang kaniyang damdamin sa opening game ng programa na madramang linya na may dugtungan ng comedy.
Nang maglaro kasi sina Matt Lozano at Betong Sumaya, na-assign sa kanila ang dramatic line na: “Wag n'yo na pag-awayan ang babaeng 'yun! Kung hindi ______”
Matapos bitawan ang line ni Matt, sabay hirit naman ni Betong Sumaya, “Liligawan ko si Barbie”
Makikita na 'tila pinipigilan naman ni Paolo Contis si Jak Roberto, pero sa huli pawang katuwaan lamang ito ng Ka-Bubble barkada kasama ang kanilang mga guest.
Naging usap-usapan ang hiwalayan nina Jak at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza nang ianunsyo ng aktres noong Enero sa social media ang kanilang breakup.
Balikan ang funny opening ng Bubble Gang last Sunday kasama si Jak Roberto at iba pa nilang guest sa video below!
RELATED CONTENT: BIGGEST CELEBRITY BREAKUPS IN 2024