
Trending ngayon sa social media ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto dahil, bukod sa kaniyang mga upcoming show, naglalabasan ang kanyang mga dating dance video at ginawan pa siya ng "university" ng kanyang fans.
Sa Facebook, viral ang edited school promo poster na may larawan ni Jak na tinawag na “Jak Roberto University - The Anti-Silos University.” Ang nasabing gawa-gawang unibersidad ay nag-o-offer umano ng mga kursong “BS in Anti-Silos,” “BS in Romantic Relations,” “BS in Silos Rights,” and “BS in Boybestfriend executions.”
SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI JAK ROBERTO DITO:
Matatandaan na nagsimula ang mga meme na ito dahil sa naging pahayag ni Jak kamakailan na hindi siya nagseselos sa tambalang BarDa ng kaniyang girlfriend na si Barbie Forteza at kaibigang si David Licauco.
Maging sina Barbie at David, ay hindi rin nakaligtas sa ginawang meme ng netizens.
Dahil natuwa ang netizens sa pagiging professional ni Jak sa trabaho, idinaan na lamang nila sa memes ang pagsuporta sa aktor.
Sa TikTok, trending ang dance videos ni Jak na idinu-duet ng netizens sa kanilang sarling video na may music na “I Give My All” ni Mariah Carey. Ang nasabing videos ay may may mga witty captions gaya ng “Kaibigan ko lang 'yun,” “Hinatid ako ng BFF ko,” at marami pang iba.
Ang dance video ni Jak ay kuha mismo sa kaniyang TikTok account na in-upload noong Valentine's Day noong 2022 kung saan makikitang sumasayaw siya sa harap ni Barbie.
@hijak02 Wala munang celebration ng Valentine's day ngayon Madam @barbieforteza8doneyet ♬ My All - A M I E E E E
Samantala, mapapanood si Jak sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband. Bukod naman sa pelikulang That Kind Of Love, magtatambal din muli sina Barbie at David sa Kapuso series na Maging Sino Ka Man.