
Kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto para sa kanyang bagong Kapuso series na Bolera habang abala naman ang kanyang girlfriend na si Mano Po Legacy: The Family Fortune star Barbie Forteza sarili rin nitong proyekto.
Dahil hindi magkasama, idinaan na lang ni Jak sa isang throwback TikTok video ang pagbati niya kay Barbie ngayong Valentine's Day.
"Wala munang celebration ng Valentine's day ngayon Madam @barbieforteza8doneyet dahil nasa lock-in taping ako. Pagpasensyahan mo na lang muna ito," kuwelang caption ng aktor sa kanyang post.
Sa video, makikita si Jak sumasayaw sa harap ni Barbie ng slowed version ng awitin ni Mariah Carey na "I Give My All." Makikita rin ang reaksyon ni Barbie na nangingiti sa sexy dance ng boyfriend.
@hijak02 Wala munang celebration ng Valentine's day ngayon Madam @barbieforteza8doneyet ♬ My All - A M I E E E 🦋
Sa ngayon ay may mahigit 1 million views na sa TikTok ang video na ito na ipinost ni Jak. Ibinahagi naman ni Barbie sa kanyang Instagram story ang nasabing video.
"BWAHAHAHAHA!!!! Nasayawan pa ako o! Talaga nga naman. Happy Valentine's Day, mahal @jakroberto. Ingat ka diyan sa lock-in taping! mahal na mahal kita [heart emojis]," aniya.
Source: barbaraforteza (Instagram)
Samantala makakasama naman ni Jak sa seryeng Bolera sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Gardo Versoza, Jaclyn Jose, Joey Marquez, at Ricardo Cepeda. Patuloy naman na mapapanood si Barbie gabi-gabi sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Silipin naman ang ilang kilig photos ng #JakBie sa gallery na ito: