
Bagong taon, bagong proyekto para sa aktres na si Kylie Padilla. Gaganap siya bilang isang billiard genius sa isang bagong Kapuso serye.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang experience, sa first day ng kanyang training.
Kuwento ni Kylie, "To be really honest never pa ako nag-billiards, hindi ko siya ma-grasp. But when I did lessons yesterday parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers."
Ang coaches ni Kylie sa training ay dalawa sa pinakamahusay na Pinoy billiards player na sina Billiards World Champion at National Team Member Johann Chua at professional billiards player Geona Gregorio.
Sa panayam ni Nelson sa dalawang coaches, kinakitaan daw nila ng potensiyal si Kylie sa paglalaro ng billiards.
"Sobrang professional naman ni Kylie and sobrang nakikita namin kagabi na kaya niya talagang kunin 'yung actions ng players," ani Johann.
Dagdag naman ni Geona, "Kapag madali siyang matuto, mabilis talagang mag-i-improve 'yung game niya sa billiards. Sa observation namin sa kanya kahapon, feeling ko mabilis gagaling si Kylie."
Samantala, ipagdiriwang naman ni Kylie ang kanyang ika-29 na kaarawan ngayong January 25. Sa isang Instagram post sinabi ni Kylie na ang tanging hiling lang niya para sa kanyang kaarawan ay ang mabuting kalusugan para sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl.
Silipin naman ang mala-diyosang mga larawan ni Kylie sa gallery na ito.