GMA Logo barbie forteza and jak roberto
Celebrity Life

Jak Roberto, napikon sa tanong ni Barbie Forteza?

By Nherz Almo
Published June 22, 2021 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and jak roberto


Para kina Jak Roberto at Barbie Forteza, hindi ganoon kahalaga kung paano sila ikakasal. Sabi pa ng aktres, "Ang importante lang, makasal kami para lang mas secure kami."

Going strong pa rin ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto sa kanilang apat na taong relasyon.

Kapansin-pansin ito sa mga sagot nila sa ikalawang bahagi ng "Question We Never Asked Each Other" vlog ni Jak para sa kanyang YouTube channel.

Sa isang bahagi vlog, walang pag-aalinlangang sinagot ng Kapuso couple ang tanong na, "Do you want to get married someday?"

Mabilis na sagot ni Jak, "Oo naman, sino bang hihindi?"

Patuloy niya, "Kahit pa anong wedding 'yan, kahit na simple lang, kahit na engrande or kahit saan.

"Feeling ko, ang marriage, isa siyang kasunduan na hindi n'yo magagawang sirain.

"Una, walang divorce dito sa Pilipinas."

Natatawang tanong agad ni Barbie, "Bakit nasa divorce ka na? Nandun pa lang tayo sa 'do you want to get married someday?' Nasa divorce na siya."

Pag-uulit naman ni Jak, "Yun nga, walang divorce dito sa Pilipinas. Ano 'yung sabi sa kasabihan, di 'yun parang mainit na kanin na puwede mong iluwa kapag napaso ka. Tama ba? Pero ganun, guys."

Hirit ng girlfriend niya, "Parang never naman kitang nakitang nagluwa ng kanin lalo na kapag white."

Dagdag naman ni Jak, "At saka, siyempre, may pre-nup [agreement] kayo niyan, o, yung hatian ng kayamanan n'yo, iisipin n'yo na 'yun."

Sabay biro na, "E, ako naman, kahit mas mayaman ako kay madam, willing naman akong iano 'yon."

Katulad ng boyfriend niya, gusto rin ni Barbie magpakasal, "Kung tatanungin ako, I just want a simple wedding, intimate lang, ganyan, with close friends and family.

"Basta sabi ko sa kanya, hindi naman importante sa akin kung papaano kami ikakasal, ang importante lang, makasal kami para lang mas secure kami.

"Mr and Mrs... wow!"

Sa huling bahagi ng vlog, tinanong ni Barbie si Jak ng random questions.

Isa sa mga ito ay kung may chance na matukso sa iba ang Kapuso hunk actor, "like even 0.1 percent chance, na matagal tayong hindi nagkikita," sabi ni Barbie.

Tila naging seryoso ang mood ni Jak at sinabi sa girlfriend niya, "Bakit mo tinatanong 'yan?"

Natawa naman si Barbie, "O, di ba, mas natural ang reaksiyon mo?"

Maya-maya pa, natatawa pa ring sambit niya, "Ang init ng ulo niya sa akin."

Panoorin ang sagot ni Jak sa vlog na ito:

Samantala, tingnan ang kilig photos nina Barbie at Jak dito: