
Maaga ang naging selebrasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza sa kanilang ikalimang anibersaryo.
Sa Instagram, ipinakita ni Jak ang naging bakasyon nila ni Barbie sa Panglao, Bohol matapos ang ilang buwang pagiging abala sa kani-kanilang mga proyekto.
Pinasalamatan din ni Jak ang nobya dahil sa "effort" na ginawa nito para matuloy ang pinapangarap nilang trip.
"Sobrang thankful ako sa 'yo Madam! Sa effort na ginawa mo para matuloy 'tong trip na 'to, all credits to you mahal ko," sulat ng aktor.
Dagdag ni Jak, "Salamat, kailangan talaga natin 'to after ng trabaho, sobrang saya ko na finally may nakasama din akong 'The One' sa beach at isa na naman sa pangarap ko ang natupad. Advance happy 5th anniversary Madam! Mahal na mahal po kita."
Ibinahagi rin ni Barbie sa Instagram ang ilan sa mga kuha nila ni Jak sa naging bakasyon. Aniya, "Almost five years of genuine happiness because of this man. My man [Jak Roberto]. I love you so much. Celebrating our 5th anniversary a bit early this year."
Katatapos lamang nang mahigit isang buwang lock-in taping ni Jak para sa bagong Kapuso serye na Bolera kung saan makakasama niya sina Kylie Padilla at Rayver Cruz.
Napanood naman si Barbie noong Linggo, May 1, sa all new story na "Lelang & Me" ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Samantala, tingnan ang kilig photos nina Jak Roberto at Barbie Forteza sa gallery na ito: