
Noong May 11, ipinakita ni Barbie Forteza ang ilan sa kanyang bikini photos na kuha ni Jak Roberto.
Kaya naman hindi nagpahuli ang aktor at ibinahagi rin ang sexy photos niya na kuha naman ng nobya.
Sa Instagram, makikita ang topless photos ni Jak na kuha mula sa naging bakasyon nila ni Barbie sa Bohol.
"Flex [and flex] ko lang din 'yung shots ni Madam [Barbie Forteza]," sulat ni Jak.
Agad namang nag-comment si Barbie sa post na ito ng nobyo, "Best effort."
Ipinagdiwang nina Jak at Barbie ang kanilang ikalimang anibersaryo sa Bohol kung saan bukod sa magagandang beach ay pinuntahan din nila ang sikat na Chocolate Hills.
Samantala, tingnan ang hottest photos ni Jak Roberto sa gallery na ito: