GMA Logo Jak Roberto
What's Hot

Jak Roberto teases new film directed by Joel Lamangan

By Jimboy Napoles
Published December 7, 2021 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


May new look ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto para sa kaniyang bagong pelikula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Matagumpay ang naging pagtatapos ng Stories from the Heart: Never Say Goodbye na pinagbidahan nina Jak Roberto, Klea Pineda, at Lauren Young.

Ngayon, tila sasabak muli sa isang malaking proyekto si Jak sa pangunguna ng batikang direktor na si Direk Joel Lamangan.

Sa latest Instagram post ng aktor, makikita ang kaniyang mga larawan na nakasuot ng isang Philippine Army uniform at nagpahiwatig ng bagong pelikula kasama si Direk Joel.

Caption niya sa kaniyang post: "'Madawag ang landas patungo sa pag-asa' film. Directed by Dir. Joel Lamangan."

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Sa isa pang larawan ay makikita pa ang ilang kasamahan ni Jak na nakasuot din ng army uniform.

May birong kumento naman ang aktres at girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza sa kaniyang post na inihalintulad siya sa isang Korean star.

"Song Joong-ki [heart emoji] @jakroberto," ani Barbie.

Source: jakroberto (IG)

Mapapanood din si Jak sa anniversary episode ng Tadhana na "Kabayaran" kasama sina Bianca Umali at Rita Daniela.

Samantala, mas kilalanin pa ang aktor na si Jak Roberto sa gallery na ito: