
Ibinahagi nina Kapuso stars Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young ang kani-kanilang payo tungkol sa pag-ibig at buhay para sa kanilang mga karakter sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Isang inspirational na payo ang tungkol sa buhay ang handog ni Klea para sa kanyang karakter na si Joyce Kintanar, isang breast cancer patient at dating nobya ni Bruce (Jak Roberto).
Aniya, “Kapit lang kasi kahit sinusubok tayo ng tadhana, kahit marami pang problema ang dumating sa atin or mayroon ka mang karamdaman, hindi d'yan natatapos ang buhay. Kailangan mong lumaban para 'yung mga nakapaligid sa'yo, lumaban din.
“Kasi napaka-unfair naman kung 'yung nasa paligid mo, 'yung mga mahal mo sa buhay, lumalaban para sa'yo tapos ikaw maggi-give up ka. Kapit lang, laban lang, tatagan mo 'yung loob mo para sa pamilya at para sa sarili mo.”
Samatala, isang love advice naman ang ibinahagi ni Kapuso hunk Jak Roberto para sa role nito bilang si Bruce Pelaez, ang ex-boyfriend ni Joyce (Klea Pineda) at asawa ni Victoria (Lauren Young).
“Bruce, kung nakikinig ka [laughs]... please maging firm dapat 'yung decision mo kung sino ba talaga sa kanilang dalawa 'yung pipiliin mo. And sana wala kang masaktan and sana tama 'yung maging decision mo,” sagot ng aktor.
Gaya ni Jak, tungkol din sa pag-ibig ang payo ni Lauren para sa kanyang karakter na si Victoria Flores, ang mapagmahal na asawa ni Bruce.
Wika niya, “Learn when enough is enough and when it's time for you to choose yourself. That's my advice for Victoria.”
Mga Kapuso, huwag n'yong palampasin ang huling dalawang araw ng Stories From The Heart: Never Say Goodbye ngayong Huwebes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, muling balikan ang mga nakaraang eksena sa Never Say Goodbye sa gallery na ito: