GMA Logo Jake Cuenca courted Yasmien Kurdi
PHOTO COURTESY: GMA Network, @rey_soldevilla (Instagram)
Celebrity Life

Jake Cuenca reveals courting Yasmien Kurdi in the past

By Dianne Mariano
Published May 28, 2026 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: May 28, 2026
Barangay exec maintains demolition in CDO legal
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News

Jake Cuenca courted Yasmien Kurdi


Aminado si Jake Cuenca na binasted siya noon ng aktres na si Yasmien Kurdi.

Binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang pagpasok niya sa showbiz at ang pagsisimula ng kanyang karera sa GMA.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng aktor na dalawang dekada na ang lumipas noong huling nakapasok siya sa Kapuso Network. Ayon pa kay Jake, ang youth-oriented show na Click ay ang kanyang kauna-unahang TV show.

Ikinuwento ng aktor ang kanyang mga naalala mula sa nasabing programa na kanyang kinabilangan.

"Ang pinaka-naaalala ko sa Click, 'yung first sequence ko ever. Tito Boy, ang ganda ng intro n'yo sa'kin, but 'yung first take ko rito, take 50, take 45, as in I could not do it. Hindi ko magawa, 'yung kaba ko talaga, it was something else at the time," pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Jake, lagi niyang binabalikan ang kanyang humble beginnings para manatiling grounded at mapagkumbaba, at labis din ang pasasalamat ng aktor sa Kapuso network.

Aniya, "Lagi kong binabalikan. It always keeps me grounded and humble. At saka, it's my 25th year in showbiz, but I can really say na kahit kailan sa career ko, hindi lumaki 'yung ulo ko because of how I started in GMA. It really trained me to be humble and to believe in myself. So I'm grateful to GMA for that."

Nang tanungin ni Boy Abunda si Jake kung marami na ba siyang naging girlfriend noong siya'y nasa Kapuso network, sinabi ng huli na mayroon siyang mga niligawan ngunit binasted niya.

Ayon sa aktor, isa sa mga nambasted sa kanya ay ang aktres na si Yasmien Kurdi.

"I can say one and I'll never forget it, si Yasmien Kurdi. I remember that," lahad niya.

Bukod dito, kinumpirma ni Jake Cuenca na in a relationship na sila ng actress-beauty queen na si Rabiya Mateo.

Ikinasal naman si Yasmien Kurdi sa kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla noong 2012 at mayroon na silang dalawang anak na sina Ayesha Zara at Raya Layla.

RELATED CONTENT: Rabiya Mateo and Jake Cuenca spark romance buzz with recent sightings