GMA Logo Jake Vargas
Source: jhake (IG)
What's on TV

Jake Vargas, emosyonal nang mag-iwan ng mensahe para sa mga magulang

By Kristian Eric Javier
Published July 20, 2026 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical Storm Bertha forms off the Alabama coast in US
Indie pop rock band Hingalima channels emotions into music
Beyond the label: Why the future of Filipino fashion begins with purpose

Article Inside Page


Showbiz News

Jake Vargas


Puno ng pasasalamat si Jake Vargas para sa pagmamahal na natanggap niya mula sa mga magulang.

Naging emosyonal ang Kapuso actor na si Jake Vargas nang magbigay ng mensahe para sa kanyang mga magulang. Ito ay matapos nilang pag-usapan ng girlfriend na si Inah de Belen ang tungkol sa kasal sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang.

Matatandaang pumanaw ang ina ni Jake na si Magdalena noong November 2011 pagkatapos ng laban nito sa colon cancer. Ang ama naman niyang si Miguel ay binawian ng buhay noong 2023 dahil sa sakit.

Sa episode ng naturang GMA Afternoon Prime talk show nitong Biyernes, July 17, nagbigay si Jake ng mensahe sa kanyang mga magulang, at pinasalamatan sila para sa pagmamahal.

“Siguro gusto ko lang din mag-thank you sa kanila sa lahat-lahat ng pagmamahal. Actually, Tito Boy, hindi naman ako magiging mabait kung hindi dahil din naman sa kanila, kung papaano nila ako pinalaki. And my parents kasi, sobrang bait din naman po talaga, lalo na si Papa,” sabi ni Jake.

KILALANIN ANG CELEBRITY FAMILY NI JAKE SA 'PEPITO MANALOTO' SA GALLERY NA ITO:

Gusto pa sanang magsalita ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento star, ngunit nagsimula na silang maging emosyonal ni Inah. Paliwanag ng aktres, nakita niya ang struggles na pinagdaanan ng long-time boyfriend lalo na noong may malubhang sakit ang ama nito.

“Sobrang hirap talaga, and he was shouldering everything. Lahat, siya talaga. He lives in the province kasi, 'yung family niya, even dad niya. And ang laging kinukwento sa amin, siyempre he has work, he has taping every week, so we would only go to Subic siguro twice or once a month,” pagbabahagi ni Inah.

Kinukwento pa umano ng mga kapatid ni Jake na lagi siyang hinahanap ng ama tuwing wala ito sa kanila.

Hindi na muling nakapagsalita pa si Jake at sa huli, nag-iwan na lang siya ng kahilingan, “Siguro ang masasabi ko lang Tito Boy, kapag dumating man 'yung panahon na...sana makita ko sila.”

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si King of Talk Boy Abunda sa celebrity couple. “I'm almost tempted to say na napakaganda ng possibilities, napakaganda ng magaganap sa inyong buhay kasi pareho kayong pinalaki sa pagmamahal.”

Panoorin ang panayam kina Jake at Inah dito: