GMA Logo James Blanco
What's on TV

James Blanco, thankful na napasama sa cast ng 'Forever Young': 'Lahat ng nandito mahuhusay'

By Aimee Anoc
Published November 5, 2024 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

James Blanco


Masaya rin si James Blanco na nakatrabaho sa Forever Young ang seasoned aktres na si Eula Valdes.

Thankful si James Blanco sa pagkakataon na ibinigay ng GMA na napasama siya sa cast ng inspiring family drama na Forever Young.

Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni James ang nararamdaman na makatrabaho ang mahuhusay na cast ng afternoon series.

"Nagpapasalamat ako sa GMA, syempre sa group ng Forever Young. Kasi nu'ng mabalitaan ko na mapapasama ako... mayroon na rin kasi akong nagawa before na kabaligtaran naman nung sakit ni Euwenn, sabi ko ang ganda," pagbabahagi ng aktor.

"Isa sa mga gusto kong ginaganapan 'yung karakter ko rito sa Forever Young," dagdag niya.

Masaya rin si James na nakatrabaho sa show ang beteranang aktres na si Eula Valdes. Sa Forever Young, napapanood si James bilang Rigor, ang kanang kamay ni Esmeralda, na ginagampanan naman ni Eula.

"Tapos syempre first time kong makakasama si Ms. Eula Valdes. Lagi kaming magkaeksena rito.

"Ang sarap kasi ang gagaling na artista at wala akong masabi kasi lahat ng nandito simula sa bata, sa age namin talagang mahuhusay. Kaya sobrang thankful ako na naging part ako ng Forever Young."

Ayon pa kay James, maraming aabangan ang manonood na tapatan ng mga eksena niya kasama sina Rafael Rosell, Alfred Vargas, Michael De Mesa, at ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

"Maraming, marami hindi lang kay Rafael, kay Alfred, kay Sir Michael De Mesa, kay Rambo, marami akong mga eksena rito na exciting," sabi niya.

Abangan si James Blanco sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG FOREVER YOUNG CAST SA KANILANG SET DITO: