
Isa sa kinakikiligang love team ngayon ng Sparkle ay sina Jamir Zabarte at Zonia Mejia.
Unang nagkasama sa isang proyekto sina Jamir at Zonia nang pagtambalin sila sa 2021 romantic comedy-drama series na Heartful Cafe.
Sa isang press interview, ikinuwento ni Jamir na ikalawang araw pa lamang nila sa taping ng Heartful Cafe ay agad na naging malapit sila ni Zonia sa isa't isa.
"Feeling ko kung bakit mabilis kaming nag-jive ni Zonia kasi 'yung stand namin sa family, 'yung status din namin sa buhay, 'yung situation namin. Kumbaga nakaka-relate kami sa bawat kuwento namin, sa bawat experiences namin," kuwento ni Jamir.
Dagdag niya, "Si Zonia kasi hindi siya mahirap pakisamahan. Sobrang friendly niyang tao at magaan lang siyang kasama."
Ayon kay Jamir, para raw silang kape at gatas ni Zonia dahil sa pagiging energetic ng aktor at pagiging good listener naman ng aktres.
"Ako 'yung madaldal na guy na sobrang expressive dun sa nararamdaman ko, nagsusumabog 'yung energy ko. Si Zonia naman 'yung nag-a-absorb, attentive listener po siya.
"Isa po sa mga nagustuhan ko sa ugali ni Zonia is 'yung pagiging good listener niya kasi ako po madaldal ako. Kayang-kaya naming mag-usap ng two straight hours," pagbabahagi ni Jamir.
Kabilang sina Jamir at Zonia sa next big love teams ng Kapuso Network na Sparkle Sweethearts na maghahatid ng kilig ngayong 2022.
Samantala, kilalanin ang iba pang Sparkle Sweethearts sa gallery na ito: