
Tampok ngayong Sabado sa "Utang" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng mag-asawang Nina at Cesar na pinagsamantalahan ng mga kaibigan at hindi binayaran ang mga nautang sa kanila.
Bibigyang-buhay nina Jan Marini at DJ Durano ang mag-asawang Nina at Cesar. Makakasama rin nila sa episode na ito sina Sandy Tolentino, Shermaine Santiago, at Euleen Castro na gaganap bilang mga kumare nilang sina Ethel, Sharon, at Kristine.
Simple lamang ang buhay ng mag-asawang Nina at Cesar kasama ang kanilang anak na si Janice (Zonia Mejia). Isang seller si Nina at magtataho naman si Cesar.
Nag-aalangan mang magpautang dahil negosyo iyon ng kanyang pamilya, pinagbigyan ni Nina ang mga kumare na gustong umutang sa kanya. Pero nang maaksidente ang asawa at kailangang kailangan niya ng pera ay isa-isa rin siyang tinakbuhan ng kanyang mga kaibigan.
Huwag palampasin ang nakaaantig na kuwentong ito ngayong Sabado, July 9, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: