GMA Logo jane de leon on pbb
What's on TV

Jane de Leon, new houseguest sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published May 29, 2025 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CT-TODA, Nakigtigom sa Kadagkuan sa mga Establisemento alang sa Traffic Plan | Balitang Bisdak
2025 SEA Games: PH falls to Malaysia in men’s football battle for bronze
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jane de leon on pbb


Ang Kapamilya star na si Jane de Leon ang ka-duo ni Bianca Umali bilang houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

May bagong bisita sa Bahay Ni Kuya GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa All-Access Livestream ng programa, ipinasilip na ni Big Brother ang mga naunang eksena ng bagong houseguest na si Jane de Leon.

Muling nasorpresa ang Kapuso at Kapamilya housemates sa pagdating ng bago nilang kasama sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Abala ngayon si Jane at ang nominadong housemates sa paghahanda ng mga pagkain na ipadadala sa secret room para sa housemates na nakakuha ng immunity shield.

Anu-ano kaya ang tasks na matatanggap ni Jane mula kay Kuya?

Samantala, ayon kay Kuya, si Jane at ang Sparkle star na si Bianca Umali ang houseguest duo na tutulong sa housemates para magawa nila ang kanilang weekly task.

Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Abangan 'yan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mapapanood tuwing weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.