
Puno ng good vibes ang pinakabagong original game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken!
Hindi lang sa mismong programa, kundi maging sa backstage ay maasahan ang masayang kuwentuhan, tawanan, at kulitan ng mga host at celebri-peeps.
Sa isang Instagram post, masayang ipinasilip ni Janeena Chan ang fun moments ng The People Have Spoken team.
Mula sa dressing room hanggang sa dry run ng show, makikita ang excitement ni Janeena kasama ang mga host na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Ayon pa sa Sparkle star, tila first day sa school ang kanilang samahan kasama ang kapwa celebri-peeps na sina Baus Rufo at Joy Barcoma.
"Classmates na most talkative in class," biro ni Janeena sa video.
Kahit wala si Tim Yap sa set, hindi nalimutan ni Janeena na mag-send ng ilang nakakatuwang videos sa kanilang fellow celebri-peep.
Ipinakita rin ng Sparkle star ang ilang kulitan moments kasama ang studio audience, pati na ang mga celebrity guest pairs na naglaro sa game show.
"So grateful to be a part of this new original game show / talk show with Heart Evangelista, Sean Lucas, Baus Rufo, Joy Barcoma, and Tim Yap! Super saya!!" ani Janeena sa caption.
Opisyal na ipinakilala si Janeena bilang isa sa mga celebri-peeps ng programa noong Sabado (June 13). Bilang opinionated guest, game na ibinahagi niya ang kanyang mga opinyon sa iba't ibang paksa o sitwasyon na tinanong sa game show.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available rin ang full episodes sa GMANetwork.com at YouLOL official pages.
Silipin ang behind-the-scenes ng The People Have Spoken pilot episode sa gallery na ito: